And Alibata: Ang sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na gumagamit ng pagpaparis ng katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit sa ibabaw (kung nais isama sa patinig na "E" o "I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig na "O" o "U"). Ang paglagay ng kudlit ay naaangkop lamang sa mga katinig, at hindi maaaring gawin sa mga patinig. May sariling mga marka ang mga patinig. Gayon pa man, may isang simbolo lamang para sa D o R dahil ang mga ito ay tinatawag na "allophones", na kung saan ang D ay maaaring may "initial", "final", "pre-consonantal" o "post-consonatal" na posisyon, at ang R naman ay may "intervocalic" na mga posisyon.
Sa orihinal na anyo, ang isang nagsosolong katinig (isang katinig na walang kasamang patinig) ay hindi maaaring isulat. Ito ay dahilan kung bakit ang Kastilang pari na si Francisco Lopez ay nagpasimula ng paggamit ng mga kudlit sa kanyang pagsasalin ng mga aklat sa katutubong wika. Noong 1620, nagsimulang gamitin ni Father Francisco Lopez ang kanyang sariling mga kudlit na nag-aalis ng mga patinig sa mga katinig. Ang ginamit niyang kudlit ay nasa anyong "+", bilang pag-ukoy sa Kristianismo. Ang simbolong "+" ay ginagamit din sa katulad na dahilan sa virama sa eskriptong Devanagari ng India.
Sa kasalukuyan, ang mga simbolo ng Baybayin ay nasa Unicode at kilala sa tawag na Tagalog Sign Virama.